Tuesday, January 29, 2013

 
Luha


Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit nang ikaw ay yakapin
Naglaho sa dilim

Ninais kong mapalapit sa'yo
Ninais kong malaman mo
Ang mga paghihirap ko
Balewala lang sa'yo

*Ikaw ay aking minahal
Kasama ko ang Maykapal
Ngunit ako pala'y naging isang hangal
Naghahangad ng isang katulad mo

**Hindi ko na kailangan
Umalis ka na sa aking harapan
Damdamin ko sa `yo
Ngayon ay naglaho na

***At ito ang 'yong tandaan
Ako'y masyadong nasaktan
Pag-ibig at pagsuyo
Na kahit na sa luha
Mababayaran mo

Tingnan mo ang katotohanan
Na tayo'y pare-pareho lamang
May damdamin ding nasasaktan
Puso mo'y nasaan

Repeat *, **, ***

+Ayaw ko nang mangarap
Ayaw ko nang tumingin
Ayaw ko nang manalamin
Nasasaktan ang damdamin

=Gulong ng buhay
Patuloy-tuloy sa pag-ikot
Noon ako ay nasa ilalim
Bakit ngayon nasa ilalim pa rin?
=
Sana bukas nasa ibabaw naman

Bakit

by Gloc-9

 

 

 Bakit hinahanap ka (bakit kaya...)
Bakit tinatawag ang 'yong pangalan...

Nang una kitang makita
Sa may Ermita
Hindi ko na namalayan kung bakit
Na para bang ako'y naakit

Nang ika'y lumapit
Tinanong ko ang 'yong pangalan at ang
'Yong telepono, pero sabi mo
'Di mo kinakausap ang mga katulad kong

Walang pera, walang kotse
'Di doble-doble ang cell
Pero teka muna, miss, 'wag kang mabilis
Lumakad, 'di naman ako manyakis

At walang labis
Walang kulang ang sinukli ko sa 'yo
Balot...
Eto pa sige dalhin mo na lang sa inyo

Kahit na wala akong kitain
Walang makain
Basta't alam mo lang
Kung gano kahalaga sa akin

Nang ikaw ay mapaglingkuran (paglingkuran)
At mapagsilbihan (pagsilbihan)
'Pagpatawad mo sana
Ako man ay naguguluhan

[Repeat Chorus]

Sa loob ng aking kuwarto
Sa loob ng banyo
Kung alam mo lamang ang dami ng mga litrato
Kinunan ko sa may kanto

At ipinakuwadro ko pa
Nang sa ganon ay lagi tayong magkasama
Araw man o gabi kahit sandali
Sa hirap man o ginhawa

Ikaw at ako magpakailanman
Na para bang mga palabas sa sine
Alam mo na para bang imposible
Pero pwede ka bang mailibre

Sa kanto ng lugaw
Palamig, siomai o siopao
Baka pwede 'wag kang masyadong matakaw
Sige na nga pero pwede bang dumalaw

Pagmamahal ko
Sana ay tanggapin mo
Pero kung itataboy moAy ikamamatay, ikamamatay ko

[Repeat Chorus]

Siguro naman ngayon ay alam mo na
Kung gaano kawagas ang aking pag-ibig
Simula sa laman hanggang sa litid
Kailaliman ay sinisisid

Pero bakit ginamit
Puro luha at pasakit
Makalipas ang mahabang panahon
Ang aking pagmamahal ay napalitan ng galit

Nang makita kita na may kasamang iba
May dala-dala pa naman akong regalo
Matagal kong pinag-ipunan
Kinuha sa alkansya

Naglalakad habang lumuluha
Tinititigan ang lupa
Sinungaling ang mga baraha na tinanong
Hindi naman natupad ang kanilang mga hula

Wala nang dahilan para mabuhay
Naging abo, wala nang kulay
Akala ko nung una, tayo nang dalawa
Ilang taon din naman akong naghintay

Paalam na, aking mahal
Ako ay 'di na magtatagal
At tanging ang 'yong pagbalik
Ang s'yang aking ipagdarasal (ipagdarasal, ipagdarasal)

Nandito Ako(song), Translated Lyrics

Nandito Ako (Song), Translated Lyrics

 

 

 

 ORIGINAL TAGALOG LYRICS

Mayroon akong nais malaman
Maaari bang magtanong?
Alam mo bang matagal na kitang iniibig
Matagal na ’kong naghihintay

Ngunit mayro
on kang ibang minamahal
Kung kaya’t ako’y di mo pinapansin
Ngunit ganunpaman nais kong malaman mo
Ang puso kong ito’y para lang sa iyo

KORO:

Nandito ako umiibig sa iyo
Kahit na nagdurugo ang puso.
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo
Nandito ako

Kung ako ay iyong iibigin

Di kailangan ang mangamba
'Pagka’t ako ay para mong alipin
Sa iyo lang wala nang iba

Ngunit mayroon ka nang ibang minamahal

Kung kaya’t ako’y di mo pinapansin
Ngunit ganunpaman nais kong malaman mo
Ang puso kong ito’y para lang sa iyo

Nandito ako umiibig sa iyo

Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo
Nandito ako

Nandito ako umiibig sa iyo

Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo
Nandito ako...
Nandito ako...
 

FREE ENGLISH TRANSLATION
There's something I want to know
May I ask a question?
Do you know I've loved you for a long time
I've been wating for so long

  But you love someone else 
That's why you don't notice me
Yet still I want you to know
My heart is only for you

CHORUS:

  I am here loving you
Though my heart is bleeding.
In case she/he leaves you
Don't you worry
There is someone who loves you
I am here
 
If you will love me 
No need to worry
Because I am like your slave
Just for you, no one else

  But you now love someone else 
That's why you don't notice me
Yet still I want you to know
My heart is only for you

I am here loving you
Though my heart is bleeding.
In case she/he leaves you
Don't worry
There is someone who loves you
I am here

I am here loving you

Though my heart is bleeding.
In case she/he leaves you
Don't you worry
There is someone who loves you
I am here...
I am here...